Ang I dobidoo bidoo ay isang moderno at kakaibang pelikula sa industria ng pelikulang Filipino. Ito ay itinuturing kong kakaiba dahil ang kadalasang pelikulang Filipino na itinatampok sa ating mga sinihan ay puro nakapaloob sa uri ng drama, komedya, aksyon, katatakutan atbp. Ngunit ito, isa siyang romantic-comedy na nasa pamamaraan ng musical o paggamit ng mga linya ng kanta bilang script.
Ang Disenyong Biswal 0 sinematography
nito ay sumasalamin sa tunay na buhay ng tao. Ang set o lugar ng pinagkukuhanan ay hindi gaanong inaayos upang mas
maging makatotohanan at maka-relate ang manunod. Sinimulan ito sa pagpapakita ng
trapiko sa isang lugar sa maynila kung saan totoo naman itong nagaganap. Ang
unang eksena na nagkantahan sina Tracy at Rock ay noong nag-uusap sila sa
telepono at kinanta nila ang panalangin
na labis kong ikinamangha ang pagpakakuha dahil ang pwesto ng 2 magkaibang
kamera ay sapat lamang para makuhanan ang kanilang ulo hanggang sa may bewang
kaya naman ang pokus ng manonood ay sakanila lamang kaya’t hindi nakakalito
bukod pa rito malinis din ang pagkakagawa o edit
kung saan tila ba’y magkasama sila sa iisang kama gayong hindi. Ang kuha
rin sa kusina ng ina ni Rock na si Rose kung saan kinanta ang Awit ng barkada
kasama ang kaniyang mga kaibigan ay naayon din sa kanilang karakter dahil ang
sa totoong buhay ang mga ina naman talaga ay kadalasang nasa kusina at doon na
nagpapalipas ng panahon na minsan nga ay kasama ang mga kaibigan at nagisislbi
na sila itong bonding. Ang itsura ng
kwarto ni Rock ay sumasalamin din sa kanyang personalidad, Sa kanyang pintuan
nakatawag ng aking pansin ang salitang Seroks na hango dapat sa salitang Xerox
at ang kanyang kwarto ay gulo-gulo o makalat para ipakita sa mga manunuod na
ang kanyang karakter ay isang iresponsableng binatilyo, sa pagkapansin ko dito,
nabigyan kaagad ako ng ideya na siya ay taong magulo ang isip (patungkol sa
kasal) dahil kagaya ng kanyang kagamitan wala din sa ayos ito. Ikinatuwa ko din
ang paraan ng pagpapakita na malaki ang tahanan nina Tracy sa pamamaraan ng
noong patungo sina rocky doon ay napakaraming gate ang kanilang dinaanan. Ang eksena rin sa hapag-kainan na kung
saan ay nagpalitan ng mga kasabihan ang mga miyembro ng pamilya na sinimulan ng
lolo ni Tracy ay kahanga-hanga dahil iniuugnay nila ang mga bagay sa habag
kainan sa mga kasabihan na kanilang sisimulan kagaya nalang ng sa kanin, iminungkahi
ng lolo nit racy na ang pagpapaksal ay hindi tulad ng kanin na pagisinubo ay
pwede bang iluwa. Ang pagiging magalang din ng mga Filipino ay isinasalamin sa
pelikulang ito kagaya nalamang ng pagmamano ng mga anak tuwing dumarating ang
mga magulang at pag-gamit ng po at opo ng mga karakter tuwing nakikipag-usap sa
mas nakakatanda. Itinampok din ditto ang pagbabago ng karakter ng mga
kababaihan ngayon na mas nagtrabaho na sila kaisa sa mga lalaki (pamilya ni
rock) at ang mga lalaki ay nasasabik parin sa kanilang mga asawa maski na pagod
na ito na ipinakita noong kinanta ng ina at ama ni Rock ang nandyan ka na
naman. Ngunit sa aking palagay ang paraan ng pagkakatapos nito ay hindi
epektibo na isinasalamin ang buhay ng Filipino dahil sa totoong buhay ay hindi
naman talaga nagaganap ang happy ending, kadalasan mayroon talagang mga
nasasaktan para sa sariling kaligayahan ngunit ang paraan ng pagtapos nito ay
nagustuhan ko dahil mas hindi ito gaanong detalyado ngunit binigyan kami ng
malinaw na ideya kung anong nangyari sa bawat karakter sa pamamagitan ng
pagsusulyap sakanila sa bidyo.
Bilang isang estudyante ng
komunikasyon ako ay umaasa na maging bahagi ng isang produksyong kagaya nito
kung saan magiging kakaiba, makabuluhan at kapupulutan ng aral ang aking mga
likha. Sana ay suportahan ng masang Filipino ang mga ganitong uri ng palabas
kaisa sa mga imported dahil hindi lamang nila tinutulungan ang kanilang kapwa Filipinong
bahagi ng produksyon kundi pati na rin ang buong ekonomiya ng Pilipinas.
Napakahusay mo Binibining Camille.
TumugonBurahinIpagpatuloy mo lang yan:)
Humahanga ako sa 'yo