Biyernes, Oktubre 12, 2012

Spratly Island: Filipinas o China?




Nitong mga nakaraang buwan  naging maugong and usaping Filipinas laban sa China dahil sa  agawanyan sa isla ng Spratly. Ang islang ito ang binubuo ng mahigit kumulang 100 maliliit na isla at malalaking korales na matatagpuan sa West Philippine Sea. Bukod sa Pilipinas at China, kabilang rin sa mga bansang umaagaw ang Vietnam, Malaysia, Taiwan at Brunei dahil sa natural nitong kayamanan kagaya na lamang ng gasolina, iron ore mga isda atbp kahit na wala pa itong kasiguraduhan.






Harapin na natin ng realidad na wala tayong kalaban-laban sa China dahil isa itong   napakamakapangyarihang bansa. Kayang-kaya nitong manipulahin ang ating ekonomiya sa pamamagitan lamang ng hindi pagpayag na makapasok ang produkto ng Filipinas sa China kagaya na lamang ng ginawa nilang pagpigil sa mga saging mula sa atin na makapasok sa kanilang bansa kaya naman hindi magkanda-ugaga ang mga negosyante noon kung saan nila ilalagay ang mga ito at naging dahilan ng kanilang pagkalugi dahil sa pagkakabulok.
Sapat ba ang ga ganitong pangigipit dahian para maging “tuta” tayo ng higantang bansa na iyan at pumayag sa kanilang kagustuhan? Sa aking palagay ay hindi kung tayo’y papayag parang sinayang na rin natin ang mga digmaang hinarap ng ating mga ninuno para lamang makamit ang kalayaan ng bansang ito. Ang isyu na ito ay hindi na lamang isyu sa laban ng pagmamay-ari ng isla kundi hamon sa kakayahan at karapatan nating mga Filipino.

Kung tayo ay pumayag sa kanilang mga kagustuhan ay para na rin nating inulubong ang ating mga sarili sa kumunoy na maglulubog sa atin ng unti-unti. Muli tayong sasakupin ng mga banyaga at gagawin ang anumang gusto nila dahil hindi tayo lumalaban.

         Panahon na para ipakita naman natin sa lahat ng bansa na tayo’y isang bansang nagkakaisa, na may   boses sa mga kagustuhan at hindi parang isang tuta na dumidikit sa kung sinong may kapangyarihan at kakayahan.

Huwebes, Oktubre 11, 2012

Sanaysay na Paglalarawan: Ang Gantimpala Sa Mga Pabaya






 

Napakadilim at malakas ang hangin sa buong Maynila na nagdulot ng  mataas na pagbaha sa malaking bahagi nito. Sa aming lugar sa Fairview, Quezon City walang ni-ga-talampakang baha kaming natamo ngunit noong rumaragasa ang ulan ang aking dibdib ay parang bolang patalbog-talbog  habang naririnig ko ang pagdampi ng mabibigat na patak ng ulan sa aming bubungan at kaluskos ng malakas na bulong ng  hangin. Ang pakiramdam pa na ito ay lalong pinaigting nang sinabayan ng mala-pintong pagalit na ibinagsak na kulog at kidlat. 






 Noong unang araw ng pag-ulan, palihim ako nananalangin na sana ay  umulan pa para mawalan muli ng klase. Ayun, Lumakas ang ulan at idineklarang walang klase. Dahil sa labis na pagkabagot  tumutok na lamang ako sa aking mga paboritong palabas, balita sa telebisyon, at nag-internet  upang maging una sa mga anunsyo patungkol sa klase para mga susunod pang araw at malaman din ang sitwasyon ng aking mga kababayan.

  

 Habang nanunuod ako ng balita nangingilid ang aking luha, napaupo na   lamang sa isang tabi at naglalaro sa aking isipan na paano kung naroon ako sa sitwasyon na yun? At pagkatapos ay ini-imagine ang bawat pang yayari. Weeeeeng! Weeeeeeng! Weeeeeng! Ito na ang hudyat upang sinupin ang kagamitan, isarado ang bahay at pumaroon sa mas ligtas na lugar. Kasabay ng malakas na pag-iyak ng langit tila ba'y isdang nagkukumahog ang mga rescuers lumangoy sa kulay tsokolate, amoy palengke at mabasurang tubig na sumakop sa kalsada ng kalakhang maynila para lang mailikas ang mga na-i-stranded sa kani-kanilang bahay. Ang mga residenteng nirerescue ay nakakapanlambot ng puso lalo na't kung makikita mo silang nanginginig, namumutla, at kumakalam ang sikmura. " O d'yos ko, tulungan niyo pa kami" tanging daing nila.

Labis na  nakakalungkot ang tinatamasa ng ating bansa ngayon ngunit hindi ko rin naman maibaling ang sisi sa kalangitan, mga  puno, halaman, at hayop sa mga sakanunang kagaya na lamang nito dahil kung ating susuriin ay ang kapabayaan din naman ng mga tao ang dahilan nito. May kasabihan nga tayong " ang basurang itinapon mo ay babalik sa iyo" sana ay nag-silbing aral ito upang magbago tayo sa mga masasama nating gawain kagaya na lamang ng pagtatapon ng basura kung saan-saan na kalaunan ay bumabara sa ating mga drainage system. Naniniwala akong hindi pa huli ang lahat sa bagbabago kaya magsikap tayo para sa ating inang bayan dahil tayo at ang mga susunod pang henerasyon rin ang makikinabang dito.


Miyerkules, Oktubre 10, 2012

Sanaysay na Pagsusuri: I Do Bidoo Bidoo




                Ang I dobidoo bidoo ay isang moderno at kakaibang pelikula sa industria ng pelikulang Filipino. Ito ay itinuturing kong kakaiba dahil ang kadalasang pelikulang Filipino na itinatampok sa ating mga sinihan ay  puro nakapaloob sa uri ng drama, komedya, aksyon, katatakutan atbp. Ngunit ito, isa siyang romantic-comedy na nasa pamamaraan ng musical o paggamit ng mga linya ng kanta bilang script.
Ang Disenyong Biswal 0 sinematography nito ay sumasalamin sa tunay na buhay ng tao. Ang set o lugar ng pinagkukuhanan ay hindi gaanong inaayos upang mas maging makatotohanan at maka-relate ang manunod. Sinimulan ito sa pagpapakita ng trapiko sa isang lugar sa maynila kung saan totoo naman itong nagaganap. Ang unang eksena na nagkantahan sina Tracy at Rock ay noong nag-uusap sila sa telepono at kinanta nila ang panalangin na labis kong ikinamangha ang pagpakakuha dahil ang pwesto ng 2 magkaibang kamera ay sapat lamang para makuhanan ang kanilang ulo hanggang sa may bewang kaya naman ang pokus ng manonood ay sakanila lamang kaya’t hindi nakakalito bukod pa rito malinis din ang pagkakagawa o edit kung saan tila ba’y magkasama sila sa iisang kama gayong hindi. Ang kuha rin sa kusina ng ina ni Rock na si Rose kung saan kinanta ang Awit ng barkada kasama ang kaniyang mga kaibigan ay naayon din sa kanilang karakter dahil ang sa totoong buhay ang mga ina naman talaga ay kadalasang nasa kusina at doon na nagpapalipas ng panahon na minsan nga ay kasama ang mga kaibigan at nagisislbi na sila itong bonding. Ang itsura ng kwarto ni Rock ay sumasalamin din sa kanyang personalidad, Sa kanyang pintuan nakatawag ng aking pansin ang salitang Seroks na hango dapat sa salitang Xerox at ang kanyang kwarto ay gulo-gulo o makalat para ipakita sa mga manunuod na ang kanyang karakter ay isang iresponsableng binatilyo, sa pagkapansin ko dito, nabigyan kaagad ako ng ideya na siya ay taong magulo ang isip (patungkol sa kasal) dahil kagaya ng kanyang kagamitan wala din sa ayos ito. Ikinatuwa ko din ang paraan ng pagpapakita na malaki ang tahanan nina Tracy sa pamamaraan ng noong patungo sina rocky doon ay napakaraming gate ang kanilang dinaanan. Ang eksena rin sa hapag-kainan na kung saan ay nagpalitan ng mga kasabihan ang mga miyembro ng pamilya na sinimulan ng lolo ni Tracy ay kahanga-hanga dahil iniuugnay nila ang mga bagay sa habag kainan sa mga kasabihan na kanilang sisimulan kagaya nalang ng sa kanin, iminungkahi ng lolo nit racy na ang pagpapaksal ay hindi tulad ng kanin na pagisinubo ay pwede bang iluwa. Ang pagiging magalang din ng mga Filipino ay isinasalamin sa pelikulang ito kagaya nalamang ng pagmamano ng mga anak tuwing dumarating ang mga magulang at pag-gamit ng po at opo ng mga karakter tuwing nakikipag-usap sa mas nakakatanda. Itinampok din ditto ang pagbabago ng karakter ng mga kababaihan ngayon na mas nagtrabaho na sila kaisa sa mga lalaki (pamilya ni rock) at ang mga lalaki ay nasasabik parin sa kanilang mga asawa maski na pagod na ito na ipinakita noong kinanta ng ina at ama ni Rock ang nandyan ka na naman. Ngunit sa aking palagay ang paraan ng pagkakatapos nito ay hindi epektibo na isinasalamin ang buhay ng Filipino dahil sa totoong buhay ay hindi naman talaga nagaganap ang happy ending, kadalasan mayroon talagang mga nasasaktan para sa sariling kaligayahan ngunit ang paraan ng pagtapos nito ay nagustuhan ko dahil mas hindi ito gaanong detalyado ngunit binigyan kami ng malinaw na ideya kung anong nangyari sa bawat karakter sa pamamagitan ng pagsusulyap sakanila sa bidyo.
Bilang isang estudyante ng komunikasyon ako ay umaasa na maging bahagi ng isang produksyong kagaya nito kung saan magiging kakaiba, makabuluhan at kapupulutan ng aral ang aking mga likha. Sana ay suportahan ng masang Filipino ang mga ganitong uri ng palabas kaisa sa mga imported dahil hindi lamang nila tinutulungan ang kanilang kapwa Filipinong bahagi ng produksyon kundi pati na rin ang buong ekonomiya ng Pilipinas.

Sanaysay Na Pasalaysay: Pagmamahalang Nagsimula Sa Pagtatapos



Malamig at makulimlim ang panahon noong Marso 24,1973 sa Arayat, Pampanga.  Isa itong napaka-espesyal na araw sa mga estudyante ng Arayat Institute sapagkat ito na ang pinakahihintay nilang yugto ng  kani-kanilang mga buhay, ang pagtatapos sa hiskul. Si Angeli, payat, matangkad at maputi na may mala-rosas na pisngi ang ang valedictorian ng batch na iyon. Siya lamang ang inaasahan ng kanyang mga kapatid gayong namayapa na ang kanilang ina at ang ama naman ay nalunon sa masamang bisyo. Noong araw na iyon patungo na sana siya sa kanilang school ng pinuntahan siya ng kanilang kapit-bahay na may bitbit na masamang balita. “ Angie! Yung kapatid mo nahagip ng bus sa kanto” dali-daling umalis si Angie sa kanilang bahay at isinugod ang kanyang kapatid sa ospital. Nang-naging maayos na ang kalagayan ng kapatid, iniwan muna niya ito upang umattend sa kanilang pagtatapos. Sa kinasamaang palad, bumuhos na ang masamang ulan at wala na siyang makitang paraan pa para makarating sa school ng nasa oras. Bumalik  siya sa kwarto ng kapatid at dinatnan ang doctora. Napansin ng doctora na ang uniporme ni Angeli ay kaparehas ng sa kanyang kapatid na si Cresencio. Tinanong ng Doctora kung dadalo ba ito ng pagtatapos at inalok na sumabay na sakanya at kanyang kapatid patungo sa nasabing paaralan. Lumapat ang ngiti sa labi ni Angeli at dali-dali itong pumayag. Nakasakay na sa sasakyan sina Doktora at Angeli habang hinihintay nila ang si Cresencio. Pagpasok ni Cresencio nabighani si Angeli sa katangian nito. Singkit, matipunong pangangatawan at malalim na boses. “pasensya na sa paghihintay” mungkahi ni Cresencio. Nagulat din siya ng makitang Makita niyang kasabay nila sa sasakyan ang valedictorian nila at dali-dali itong binida sa kanyang kapatid. Pagkarating nila sa eskwelahan, nagpaalam lang silang tatlo sa isa’t isa at pagkatapos ay hindi na sila muling nagkita pa ng araw na ayon.
Nakalipas na ang bakasyon at walang araw na pinalipas ang dalawa na hindi iniisip at umaasa sa pagkikita nilang muli.
Pasukan na sa Kolehiyo. Si Angeli ay nakakuha ng iskolarship sa  “Lyceum University of the Philippines” sa Intramuros manila at kumuha ng kursong Mass Communication habang nagttrabaho sa nasabing pamantasan at bilang tinder sa isang pagawaan ng soft drinks samantala si Cresencio naman ay Mechanical Engineering sa “Mapua Institute of Technology” sa Intramuros din. Ang dalawang Nasabing eskwelahan ay magkatabi lamang ngunit natapos ang unang at dalawang taon nila sa kolehiyo ng hindi man lamang pinagtatagpo ng tadhana.
Ikatlong taon na nila sa Kolehiyo. Si Angeli na nakapwesto sa tabi ng bintana sa kanilang silid aralan at sa hindi inaasahang pagkakataon ay napatingin ito sa kalye sa baba at laking gulat ng Makita nito si cresencio at tinawag niya ito. Pagkatapos ng klase, nagkayayaan ang dalawa na manuod ng sine sa Morayta Maynila at doon na nagsimula ang pagliligawan nilang dalawa. Araw-araw si cresencio ay nagbabato ng eroplanong papel sa bintana ng silid-aralan nila Angie upang magpahatid ng mensahe at mga matatamis na salita hanggang nakuha niya rin ang pinakahihintay niyang “oo” ni Angie sa alok nita upang maging magkasintahan.
                Matapos ang halos isang-taon na pagiging magkarelasyon, napagdesisyonan ng dalawa na magpakasal.
Hindi naging madali sakanila ang desisyon na ito dahil hindi ito tanggap ng kanikanilang mahal sa buhay. Si Angeli ay may mga kapatid pang sinusuportahan at dahil nagmula si Cresencio sa isang mayamang pamilya tutol sila dito. Ang nais nila ay makapangasawa ang kanilang unico iho ng isa ring babae mula sa kaparehas na estado. Ginagawa ng pamilya ni Cresencio ang lahat ng kanilang makakaya upang paglayuin ang dalawa kagaya na lamang ng pagdedestino ng mga taong sasama at magbabantay kay Cresencio kahit saan ito magpunta tiniis ng dalawa ang palihim na pagtatagpo hanggang dumating sa punto na ipapadala na si Cresencio sa ibang bansa para doon na magpatuloy ng pag-aaral. Sa puntong ito, hindi na kinaya ng dalawa kaya naman imbis na magpakasal. Nagtanan ang dalawa at nanirahan sa Tondo, Maynila.  Dito namuhay sila ng maingat, matahimik ngunit masaya. Ipinagpatuloy ng dalawa ang kanilang pag-aaral at pagkatapos ay nagpakasal sila sa west. Biniyayaan sila ng isang napakagandang batang babae at buhay na medyo nakakaluwag-luwag dahilan na nga sa kanilang pagpupursigi na mapatunayan ang kanilang sarili sa mga pamilya nila. matapos ay napagpasya na sila na harapin ang kani-kanilang pamilya. Dahil nabiyayaan na ng anak, ang batang iyon na si Michelle ay naging tulay sa pagkakaayos ng pamilya ni Cresencio at ng relasyon nila ni Angeli. Tinaggap na ng pamilya ng dalawang panig ang relasyong iyon at binigyan ng basbas na magpakasal sa simbahan. Matapos ang kasal biniyayaan pa muli ng 6 na anak ang mag-asawa at marangyang buhay dala ng kanilang pagsisikap.