Huwebes, Oktubre 11, 2012

Sanaysay na Paglalarawan: Ang Gantimpala Sa Mga Pabaya






 

Napakadilim at malakas ang hangin sa buong Maynila na nagdulot ng  mataas na pagbaha sa malaking bahagi nito. Sa aming lugar sa Fairview, Quezon City walang ni-ga-talampakang baha kaming natamo ngunit noong rumaragasa ang ulan ang aking dibdib ay parang bolang patalbog-talbog  habang naririnig ko ang pagdampi ng mabibigat na patak ng ulan sa aming bubungan at kaluskos ng malakas na bulong ng  hangin. Ang pakiramdam pa na ito ay lalong pinaigting nang sinabayan ng mala-pintong pagalit na ibinagsak na kulog at kidlat. 






 Noong unang araw ng pag-ulan, palihim ako nananalangin na sana ay  umulan pa para mawalan muli ng klase. Ayun, Lumakas ang ulan at idineklarang walang klase. Dahil sa labis na pagkabagot  tumutok na lamang ako sa aking mga paboritong palabas, balita sa telebisyon, at nag-internet  upang maging una sa mga anunsyo patungkol sa klase para mga susunod pang araw at malaman din ang sitwasyon ng aking mga kababayan.

  

 Habang nanunuod ako ng balita nangingilid ang aking luha, napaupo na   lamang sa isang tabi at naglalaro sa aking isipan na paano kung naroon ako sa sitwasyon na yun? At pagkatapos ay ini-imagine ang bawat pang yayari. Weeeeeng! Weeeeeeng! Weeeeeng! Ito na ang hudyat upang sinupin ang kagamitan, isarado ang bahay at pumaroon sa mas ligtas na lugar. Kasabay ng malakas na pag-iyak ng langit tila ba'y isdang nagkukumahog ang mga rescuers lumangoy sa kulay tsokolate, amoy palengke at mabasurang tubig na sumakop sa kalsada ng kalakhang maynila para lang mailikas ang mga na-i-stranded sa kani-kanilang bahay. Ang mga residenteng nirerescue ay nakakapanlambot ng puso lalo na't kung makikita mo silang nanginginig, namumutla, at kumakalam ang sikmura. " O d'yos ko, tulungan niyo pa kami" tanging daing nila.

Labis na  nakakalungkot ang tinatamasa ng ating bansa ngayon ngunit hindi ko rin naman maibaling ang sisi sa kalangitan, mga  puno, halaman, at hayop sa mga sakanunang kagaya na lamang nito dahil kung ating susuriin ay ang kapabayaan din naman ng mga tao ang dahilan nito. May kasabihan nga tayong " ang basurang itinapon mo ay babalik sa iyo" sana ay nag-silbing aral ito upang magbago tayo sa mga masasama nating gawain kagaya na lamang ng pagtatapon ng basura kung saan-saan na kalaunan ay bumabara sa ating mga drainage system. Naniniwala akong hindi pa huli ang lahat sa bagbabago kaya magsikap tayo para sa ating inang bayan dahil tayo at ang mga susunod pang henerasyon rin ang makikinabang dito.


2 komento: