Nitong mga nakaraang buwan naging maugong and usaping Filipinas laban sa
China dahil sa agawanyan sa isla ng Spratly. Ang islang ito ang binubuo ng mahigit
kumulang 100 maliliit
na isla at malalaking korales na matatagpuan
sa West Philippine Sea. Bukod sa
Pilipinas at China, kabilang rin sa mga bansang umaagaw ang Vietnam, Malaysia,
Taiwan at Brunei dahil sa natural nitong kayamanan kagaya na lamang ng
gasolina, iron ore mga isda atbp kahit na wala pa itong kasiguraduhan.
Harapin na natin ng realidad na wala tayong kalaban-laban sa China dahil isa itong napakamakapangyarihang bansa. Kayang-kaya nitong manipulahin ang ating ekonomiya sa pamamagitan lamang ng hindi pagpayag na makapasok ang produkto ng Filipinas sa China kagaya na lamang ng ginawa nilang pagpigil sa mga saging mula sa atin na makapasok sa kanilang bansa kaya naman hindi magkanda-ugaga ang mga negosyante noon kung saan nila ilalagay ang mga ito at naging dahilan ng kanilang pagkalugi dahil sa pagkakabulok.
Sapat ba ang ga ganitong pangigipit dahian para
maging “tuta” tayo ng higantang bansa na iyan at pumayag sa kanilang
kagustuhan? Sa aking palagay ay hindi kung tayo’y papayag parang sinayang na
rin natin ang mga digmaang hinarap ng ating mga ninuno para lamang makamit ang
kalayaan ng bansang ito. Ang isyu na ito ay hindi na lamang isyu sa laban ng
pagmamay-ari ng isla kundi hamon sa kakayahan at karapatan nating mga Filipino.
Kung tayo ay pumayag sa kanilang mga kagustuhan
ay para na rin nating inulubong ang ating mga sarili sa kumunoy na maglulubog
sa atin ng unti-unti. Muli tayong sasakupin ng mga banyaga at gagawin ang
anumang gusto nila dahil hindi tayo lumalaban.
Panahon na para ipakita naman natin sa lahat ng bansa na tayo’y isang bansang nagkakaisa, na may boses sa mga kagustuhan at hindi parang isang tuta na dumidikit sa kung sinong may kapangyarihan at kakayahan.
pagamit po sa position paper thanks :)
TumugonBurahinpagamit din para sa mga estudyante ko.
TumugonBurahinnapaka husay
TumugonBurahinCasinos Near Harrisburg – Mapyro
TumugonBurahinHarrah's Cherokee Casino 광명 출장샵 is an OK Casino. 경주 출장안마 Use the map to 창원 출장마사지 see all 26 Casinos in the area, plus nearby hotels. Map. 평택 출장샵 Harrah's Cherokee 경산 출장안마 Casino