Napakadilim at malakas ang hangin sa buong Maynila na nagdulot ng mataas na pagbaha sa malaking bahagi nito. Sa aming lugar sa Fairview, Quezon
City walang ni-ga-talampakang baha kaming natamo ngunit noong rumaragasa ang
ulan ang aking dibdib ay parang bolang patalbog-talbog habang naririnig
ko ang pagdampi ng mabibigat na patak ng ulan sa aming bubungan at kaluskos ng
malakas na bulong ng hangin. Ang pakiramdam pa na ito ay lalong
pinaigting nang sinabayan ng mala-pintong pagalit na ibinagsak na kulog at
kidlat.
Habang nanunuod ako ng balita nangingilid ang aking luha, napaupo na lamang sa isang tabi at naglalaro sa aking isipan na paano kung naroon ako sa sitwasyon na yun? At pagkatapos ay ini-imagine ang bawat pang yayari. Weeeeeng! Weeeeeeng! Weeeeeng! Ito na ang hudyat upang sinupin ang kagamitan, isarado ang bahay at pumaroon sa mas ligtas na lugar. Kasabay ng malakas na pag-iyak ng langit tila ba'y isdang nagkukumahog ang mga rescuers lumangoy sa kulay tsokolate, amoy palengke at mabasurang tubig na sumakop sa kalsada ng kalakhang maynila para lang mailikas ang mga na-i-stranded sa kani-kanilang bahay. Ang mga residenteng nirerescue ay nakakapanlambot ng puso lalo na't kung makikita mo silang nanginginig, namumutla, at kumakalam ang sikmura. " O d'yos ko, tulungan niyo pa kami" tanging daing nila.
Labis na nakakalungkot ang tinatamasa ng ating bansa ngayon
ngunit hindi ko rin naman maibaling ang sisi sa kalangitan, mga puno,
halaman, at hayop sa mga sakanunang kagaya na lamang nito dahil kung ating
susuriin ay ang kapabayaan din naman ng mga tao ang dahilan nito. May kasabihan
nga tayong " ang basurang itinapon mo ay babalik sa iyo" sana ay
nag-silbing aral ito upang magbago tayo sa mga masasama nating gawain kagaya na
lamang ng pagtatapon ng basura kung saan-saan na kalaunan ay bumabara sa ating
mga drainage system. Naniniwala akong hindi pa huli ang lahat sa bagbabago kaya
magsikap tayo para sa ating inang bayan dahil tayo at ang mga susunod pang
henerasyon rin ang makikinabang dito.
sino po writer nito?
TumugonBurahinAnong diskurso ang komposisyong binasa
TumugonBurahin